Do you know sadiri?Become her contact | Who is on Multiply?Find your friends | Want to learn more?Take the Tour | Already a Member?Sign In |
ADMINISTRASYON AT OPOSISYON : PATALSIKIN SILANG LAHAT! Tuloy-tuloy ang paglala ng krisis pampulitika sa bansa dahil sa lalupang paglala ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Ang tumitinding bangayan sa loob ng nagharing uri – kampong maka-GMA at kampong anti-GMA – ay ginagatungan ng mga alitan sa loob ng kampong maka-Gloria at ganun din, sa loob ng kampong anti-GMA. Ang mga alitang ito sa loob ng magkabilang kampo ng nagharing uri ay pinaliliyab ng pang-ekonomiyang krisis na kongkretong makikita sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na nabunga ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ito ang hindi maiwasang mangyari sa nagharing uri sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema – "isa laban sa lahat". Ang mga isyu ng korupsyon, panunuhol, katiwalian, paglabag sa karapatang-pantao at iba pa ay PAREHONG ginagawa at patuloy na gagawin ng administrasyon at oposisyon. Walang pagkakaiba ang Lakas-CMD at Kampi sa PMP ni Erap, sa United Opposition ni Binay at maging sa nabubuong United Forces. Ito ang naranasan ng masang maralita sa nagdaang tatlong "Edsa Revolution" -- ang dating oposisyon ay nalagay sa administrasyon at ang dating administrasyon ay naging oposisyon – subalit walang kaginhawaang naranasan ang mga manggagawa at maralita. Hindi malulutas ng administrasyon at oposisyon ang mga mabibigat na problemang pinapasan ng mga manggagawa at maralita – patuloy na pagtaas ng presyo, mababang sweldo, kontraktwalisasyon, kawalang trabaho, pabahay, panlipunang serbisyo at iba pa. Kapwa ang administarsyon at oposisyon ay may parehong layunin – ipagtanggol ang mapagsamantala at nabubulok na kapitalistang sistema. Isang bitag ang "fighting one enemy at a time" o "choosing the lesser evil". Isang ilusyon ang paniniwala na ang pakipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya ay makapagpahina sa buong nagharing uri. Ang tunay na makapagpahina sa nagharing uri hanggang sa tuluyan itong maibagsak ay ang paglakas ng independyenteng kilusan ng manggagawa at maralita. Ang panawagan ng iba't-ibang grupo ng burges na oposisyon at Kaliwa ng "pagkakaisa" ng lahat ng grupo laban sa paksyong GMA ay walang ibig sabihin kundi ang ilagay sa Malakanyang bilang kapalit ng paksyong GMA ay isa na namang paksyon ng mapagsamantalang uri na "suportado" ng malawak na masa. Hindi na dapat pumasok ang masa sa ganitong patibong ng burgesya dahil tiyak na mauuwi na naman ito sa kapahamakan ng mga mahihirap at muling makapagpalakas sa ilusyon at demoralisasyon sa kanilang hanay. Nararapat lamang na muling babangon ang militansya at diwang palaban ng uring manggagawa at maralita para sa tunay na pagbabago sa kanilang aping kalagayan. Nararapat lamang na muling magtiwala ang malawak na masang api sa kanilang sariling pagkakaisa at lakas sa pakikibaka. Subalit ang enerhiya ng militansya ay kailangang nakatuon sa pagpapalakas sa SARILING kilusan ng uring manggagawa at maralita na HIWALAY sa alinmang paksyon ng nagharing uri – administrasyon man o oposisyon. Nasa paglakas ng INDEPENDYENTENG KILUSAN ng masang api ang pwersa para mahatak ang panggitnang uri sa tamang daan para sa pagbabago ng lipunan. Ang kongkretisasyon ng independyenteng kilusang ito ay makikita sa sumusunod: 1. Isang kilusan na nakahiwalay sa kampo ng administarsyon at oposisyon. Higit sa lahat, isang kilusan na hayagang naglalantad na ang lahat ng mga paksyon ng burgesya kabilang na ang mga partido at grupo nila ay KAAWAY ng buong uring api dahil ang lahat ng mga paksyon ng mapagsamantalang uri ay NAGKAKAISA LABAN sa mga manggagawa at maralita. Kaya, walang anumang pakipag-alyansa alinman sa mga paksyong ito, temporaryo man o estratehiko. 2. Isang kilusan na pangunahing nakibaka sa mga isyung direktang may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng malawak na masa at itinataas ang mga ito sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan ng mga manggagawa mismo. 3. Isang kilusan na ang mga organisasyon ng pakikibaka ay mga asembliya at konseho ng mga manggagawa – regular, kontraktwal, walang trabaho, nasa pribado man o publikong sektor, unyonista man o hindi – sa mga pagawaan at komunidad kung saan ang otoridad ng pagkilos ay nasa kapasyahan ng mga asembliyang ito at wala sa mga unyon. Ang mga konsehong ito ang siyang dapat maging organo ng kapangyarihan pagkatapos maibagsak ang paksyong Arroyo. 4. Isang kilusan na nagtatakwil na may magagawa ang kongreso at senado para sa kapakanan ng uring pinagsamantalahan sa harap ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo. 5. Isang kilusan na nagtatakwil sa inter-classist na "caretaker government", "transitional government" o "coalition government". Ang sentral na mga islogan ng kilusang ito ay: ISULONG ANG KILUSANG MASA LABAN SA ADMINISTRASYON AT OPOSISYON! GAWING PAMPULITIKANG PAKIKIBAKA ANG MGA PANG-EKONOMIYANG PAKIKIBAKA! ITAYO ANG MGA KONSEHO NG MANGGAGAWA BILANG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHAN MATAPOS MAIBAGSAK ANG PAKSYONG ARROYO! Sa ganitong mga islogan lamang hindi na mauulit ang masaklap na karanasan ng nagdaang tatlong "Edsa Revolution" kung saan pinaaasa ang mga mahihirap na ang kanilang kaligtasan ay nasa mga popular na burges na lider ng oposisyon at rebeldeng militar. INTERNASYONALISMO
Wala sa akin ang kakisigan o kagandahan upang sambahin, pakatitigan ang sariling anyo sa harap ng pinagtining na tubig-batis Hindi marapat Walang kahulugan ang linaw ng tubig gaano man ito kalalim Ang titigan at sambahin ang sarili kong anyo ay lalong magpapabigat sa di-matingkalang sakit sa pagkabagabag, sa hapdi sa latay ng aking pagkasadlak sa putikan Ang sarili kong anyo’y niyurakan ng mga anak kong nagkanulo’t nagpagahasa sa yaman at kagandahan kong taglay Makikisig silang namintuho at nagpakita ng pagpapahalaga Huwad na pagmamahal pala na winisikan ng sanghaya ng karangyaan Sa kalaunan ay pinagmistula nilang sisiw na pinadagit sa mga agila upang busugin lang ang kanilang pagkahayok at magdusa sa gitna ng kanilang pagpapasasa Ako na sarili nilang ina Ipinagkanulo nila upang magkamal ng yaman na kaya ko namang ibigay sa kanila Hindi ako si Narcisus na bida sa isang alamat Ang pangalan ko'y PILIPINAS
Ang TRG ba ay hakbang pasulong tungo sa pagbagsak ng bulok na sistema o tungo sa sosyalistang rebolusyon? Lubusan ang paniniwala ng Kaliwa na ang TRG ang siyang daan para sa tunay na pagbabago ng lipunan batay sa "balanse ng pwersa" sa tunggalian ng uri sa Pilipinas. Ano ba ang TRG? Ito ay isang transisyunal na gobyerno para maitayo ang isang makabayan (anti-imperyalista o anti-globalisasyon) na pamahalaan. Isang gobyerno na bubuo sa mga kondisyon para sa isang "demokratikong" lipunan. At mula dito ay "mabubuo ang lakas ng uri at ng masa" para sa sosyalistang rebolusyon sa hinaharap. Hindi dudurugin ng TRG ang kapitalismo kundi pauunlarin ito sa Pilipinas para sa sosyalistang rebolusyon. Ito ang esensya ng linyang TRG. May ilang mga "pragmatista" pa nga sa hanay ng Kaliwa na nagsasabing kung hindi kakayanin ang TRG kasama ang burges na oposisyon pero nasa "pamumuno" ng mga Kaliwa ay TG muna sa ilalim ng pamumuno ng burges na oposisyon. Ibig sabihin, TG taposTRG, hanggang sa sosyalistang rebolusyon. Ang mahalaga daw ay naoorganisa at nasasanay ang uri at ang masa sa pakikibaka kasama ang isang paksyon ng burgesya. Ang ugat ng ganitong pananaw ay nagmula sa pagtingin na nahahati ang mundo sa dalawang kampo: Una, kampo ng nabubulok na kapitalismo at kailangan na agad ang sosyalistang rebolusyon. Ito ay ang abanteng kapitalistang mga bansa. Ang ikalawa ay ang kampo ng binansot o pinipigalang kapitalismo o "mala-pyudal, mala-kolonyal" dahil sa imperyalismo. Obhetibong uunlad pa daw ang kapitalismo kung maputol ang kontrol ng imperyalismo. Ito ay ang mga bansang atrasado sa third world countries gaya ng Pilipinas. Bagamat kinikilala ng Kaliwa na burges ang TRG kabilang na ang demokrasya at anupamang pulitikal na institusyon nito, para sa kanila ito ay kailangan para sa pagbabago ng lipunang Pilipino dahil isang atrasadong bansa ang Pilipinas. Nilagyan lang nila ng "rebolusyonistang" lenggwahe ang kanilang burges na linya: "nasa pamumuno" ng uring manggagawa na para sa kanila ang ibig sabihin ay nasa pamumuno ng "partido komunista" o ng Kaliwa. Ibig sabihin, isang burges na pakikibaka na inako ng uring nais ibagsak ang burges na sistema at kaayusan! Ito ang rurok ng kahibangan ng Kaliwa sa Pilipinas: ang uri na may istorikal na misyon na ibagsak ang burges na sistema, ang uri na mortal na kaaway ang burgesya ang aako ngayon sa burges na pakikibaka at itayo ang isang tunay na burges na kaayusan sa bansa dahil sa katwirang may mga labi pa ng pyudalismo ang Pilipinas at hindi pa lubusang umunlad ang burgesy na demokrasya sa bansa. Ang linya ng proletaryado sa 19 siglo, sa panahon ng pasulong na kapitalismo kung saan ay supporting actor lamang ang uring manggagawa sa burges na rebolusyon noon laban sa pyudalismo at sa mga labi nito ay kinaladkad ng Kaliwa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa pagpasok sa 20 siglo, partikular sa pagputok ng unang imperyalistang pandaigdigang digmaan sa 1914 subalit sa panawagang matamis pakinggan pero walang katotohanan: "burges na rebolusyon o pakikibaka sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa." Ang resulta: SUBSTITUTIONISM ng mga partido ng Kaliwa sa independyenteng kilusang manggagawa. Ang mga partido ng Kaliwa ang umaako na mismo sa "kilusang manggagawa". Ang TRG ay hindi hakbang pasulong kundi isang kadena na itatali ng Kaliwa sa leeg ng uring manggagawa para sa uring mapagsamantala.
Youth group Anakbayan expresses deep doubts over Mrs. Gloria Arroyos real motives for having granted Executive Clemency to ousted president and convicted plunderer Joseph Ejercito Estrada. Anakbayan questions the timeliness of the pardon. The response to Estradas petition for clemency was so abrupt that even Estradas lawyers were caught off-guard. Coincidentally, it came at a time when Mrs. Arroyo was implicated anew in the ZTE scam via a damning testimony from Jose Joey de Venecia at the resumption of the Senate hearings. It also conveniently comes at a period when Arroyo faces the publics overwhelming distrust over what is perceived as the most irreconcilable political crisis yet to ever beset her administration. Anakbayan has reason to believe that, like all other diversionary tactics being perpetrated by Malacanang, Estradas pardon is not for reconcilition and humanitarian purposes but still for the survival of Arroyos beleaguered administration. Estradas pardon, however, will fail to save Arroyo. It has done nothing but display the Arroyo administrations lack of moral ascendancy in imposing sanctions to corrupt wrongdoers. It demonstrates the Arroyo administrations practice of political expediency in legal and judicial decisions that come as a threat to its tenure. History will indeed judge Arroyos decision but we pose a challenge to the Estrada camp, known personalities of the political opposition, amid this development. Youth and students will not hesitate to condemn even the slightest inkling of Estradas capitulation towards the Arroyo administration following his pardon. We will not be diverted from our cause to build the broadest movement against the present corrupt and Mafia-like Arroyo regime.
<table><tr><td><embed quality="high" pluginspage="http://www.macromedia.com/go/getflashplayer"
Tech Support: Yes, .... how can I help you? Customer: Well, after much consideration, I've decided to install Love. Can you guide me through the process? Tech Support: Yes. I can help you. Are you ready to proceed? Customer: Well, I'm not very technical, but I think I'm ready. What do I do first? Tech Support: The first step is to open your Heart. Have you located your Heart? Customer: Yes, but there are several other programs running now. Is it okay to install Love while they are running? Tech Support: What programs are running ? Customer: Let's see, I have Past Hurt, Low Self-Esteem, Grudge and Resentment running right now. Tech Support: No problem, Love will gradually erase Past Hurt from your current operating system. It may remain in your permanent memory but it will no longer disrupt other programs. Love will eventually override Low Self-Esteem with a module of its own called High Self-Esteem. However, you have to completely turn off Grudge and Resentment. Those programs prevent Love from being properly installed. Can you turn those off ? Customer: I don't know how to turn them off. Can you tell me how? Tech Support: With pleasure. Go to your start menu and invoke Forgiveness. Do this as many times as necessary until Grudge and Resentment have been completely erased. Customer: Okay, done! Love has started installing itself. Is that normal? Tech Support: Yes, but remember that you have only the base program. You need to begin connecting to other Hearts in order to get the upgrades. Customer: Oops! I have an error message already. It says, "Error - Program not run on external components." What should I do? Tech Support: Don't worry. It means that the Love program is set up to run on Internal Hearts, but has not yet been run on your Heart. In non-technical terms, it simply means you have to Love yourself before you can Love others. Customer: So, what should I do? Tech Support: Pull down Self-Acceptance; then click on the following files: Forgive-Self; Realize Your Worth; and Acknowledge your Limitations. Customer: Okay, done. Tech Support: Now, copy them to the "My Heart" directory. The system will overwrite any conflicting files and begin patching faulty programming. Also, you need to delete Verbose Self-Criticism from all directories and empty your Recycle Bin to make sure it is completely gone and never comes back. Customer: Got it. Hey! My heart is filling up with new files. Smile is playing on my monitor and Peace and Contentment are copying themselves all over My Heart. Is this normal? Tech Support: Sometimes. For others it takes awhile, but eventually everything gets it at the proper time. So Love is installed and running. One more thing before we hang up. Love is Freeware. Be sure to give it and its various modules to everyone you meet. They will in turn share it with others and return some cool modules back to you. Customer: Thank you, God.
WHO IS HE? IN CHEMISTRY, HE TURNED WATER TO WINE. IN BIOLOGY, HE WAS BORN WITHOUT THE NORMAL CONCEPTION; IN PHYSICS, HE DISAPPROVED THE LAW OF GRAVITY WHEN HE ASCENDED INTO HEAVEN; IN ECONOMICS, HE DISAPPROVED THE LAW OF DIMINISHING RETURN BY FEEDING 5000 MEN WITH TWO FISHES & 5 LOAVES OF BREAD; IN MEDICINE, HE CURED THE SICK AND THE BLIND WITHOUT ADMINISTERING A SINGLE DOSE OF DRUGS, IN HISTORY, HE IS THE BEGINNING AND THE END; IN GOVERNMENT, HE SAID THAT HE SHALL BE CALLED WONDERFUL COUNSELOR, PRINCE OF PEACE; IN RELIGION, HE SAID NO ONE COMES TO THE FATHER EXCEPT THROUGH HIM; SO. WHO IS HE? HE IS JESUS! JOIN ME AND LET'S CELEBRATE HIM; HE IS WORTHY. THE EYES BEHOLDING THIS MESSAGE SHALL NOT BEHOLD EVIL, THE HAND THAT WILL SEND THIS MESSAGE TO EVERYBODY SHALL NOT LABOR IN VAIN, AND THE MOUTH SAYING AMEN TO THIS PRAYER SHALL SMILE FOREVER. REMAIN IN GOD AND SEEK HIS FACE ALWAYS. AMEN IN GOD I'VE FOUND EVERYTHING! The Greatest Man in History Jesus had no servants, yet they called Him Master. Had no degree, yet they called Him Teacher. Had no medicines, yet they called Him Healer. He had no army, yet kings feared Him. He won no military battles, yet He conquered the world. He committed no crime, yet they crucified Him. He was buried in a tomb, yet He lives today. I feel honored to serve such a Leader who loves us!
Sa musmos kung isipan noon hindi kita maintindihan. ang bawat salita, galaw at ang iyong idoloheya ang pinakamalaking tanong sa aking gunita. ano at sino ka nga ba talaga? Sa paglipas ng panahon ay unti-unti kitang nakilala, napamahal sa aking puso at diwa. ang iyong hangarin ay siyang napunla sa isipan kung musmos ay naging mula't na. lumisan man ako sa aking sariling bansa rebo ay aking dala-dala, ikaw at ikaw pa rin aking naaalala. Hanggang sa ako ay humihinga prinsipyo't ideya mo ay di mawawala, kamatayan man ang katumbas paglalaban at ilalaban kita. ala daw mapala at kinabukasan saiyo, ngunit para sakin ikaw at nasa iyo ang bukas ko, kaya ipinapangako ko mula sa kaibuturan na aking puso na ikaw ay pakamamahalin ko.
A Filipino Applies for a Job at Wal-Mart. An office manager at Wal-Mart was given the task of hiring an individual to fill a job opening. After sorting through a stack of resumes he found four people who were equally qualified -- an American, a Russian, an Australian and a Filipino. He decided to call the four in and ask them only one question. Their answer would determine who of them would get the job. The day came and as the four sat around the conference room table the interviewer asked, "What is the fastest thing you know?" Dave, the American, replied, "A THOUGHT". It just pops into your head. There's no warning that it's on the way; it's just there. A thought is the fastest thing I know of." "That's very good!" replied the interviewer. "And now you sir?" he asked Vladimir, the Russian. "Hmm.... let me see. A blink! It comes and goes and you don't know that it ever happened. A BLINK is the fastest thing I know." "Excellent!" said the interviewer. "The blink of an eye, that's a very popular cliche for speed." He then turned to George, the Australian who was contemplating his reply. "Well, out at my dad's ranch, you step out of the house and on the wall there's a light switch. When you flip that switch, way out across the pasture the light in the barn comes on. Yep, TURNING ON A LIGHT is the fastest thing I can think of." The interviewer was very impressed with the third answer and thought he had found his man. "It's hard to beat the speed of light" he said. Turning to Eleuterio, the Filipino, the fourth and final man, the interviewer posed the same question. Eleuterio replied, "Apter herring da 3 preybyus ansers sir, et's obyus to me dat the fastest thing is Diarrhea." "WHAT!?" said the interviewer, stunned by the response. The others were already giggling in their seats... "Oh, I can expleyn sir,." said Eleuterio. " You see, sir, da ader day my tummy was peeling bad and so I run so fast to the CR, but before I could THINK, BLINK, or TURN ON THE LIGHT, 'tang ina, sir, I had alreydi shit in my pants!" Eleuterio is now the new "Greeter" at Wal-Mart etter from my dad in america Letter Anak, Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address. Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa. Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako. Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise yata ito! Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan. Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa. Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod. Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas. Love, Papa p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha Ang Sulat ni Bebang Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay." Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng: Mahal kong tatay at mga kapatid: Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod... Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume. Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream Ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon. Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto. Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko. Nagmamahal, Bebang
1. black hawk down - ibong maitim sa ibaba 2. dead man's chest - dodo ng patay 3. i know what you did last summer - uyy... aminin! 4. love, actually - sa totoo lang, pag-ibig 5. million dollar baby - 50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country) 6. the blair witch project - ang proyekto ng bruhang si blair 7. mary poppins - si mariang may putok 8. snakes on a plane - nag-ahasan sa ere 9. the postman always rings twice - ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses 10. sum of all fears - takot mo, takot ko, takot nating lahat 11. swordfish - talakitok 12. pretty woman - ganda ng lola mo 13. robin hood, men in tights - si robin hood at ang mga felix bakat 14. four weddings and a funeral - kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin 15. the good, the bad and the ugly - ako, ikaw, kayong lahat 16. harry potter and the sorcerer's stone - adik si harry, tumira ng shabu 17. click - isang pindot ka lang 18. brokeback mountain - may nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok 19. the day of the dead - ayaw tumayo (ng mga patay) 20. waterworld - basang-basa 21. there's something about mary - may kwan sa ano ni maria 22. employee of the month - ang sipsip 23. resident evil - ang biyenan 24. kill bill - kilitiin sa bilbil 25. the grudge - lintik lang ang walang ganti 26. nightmare before christmas - binangungot sa noche buena 27. never been kissed - pangit kasi 28. gone in 60 seconds - 1 round, tulog 29. the fast and the furious - ang bitin, galit 30. too fast, too furious - kapag sobrang bitin, sobrang galit 31. dude, where's my car - dong, anong level ulit tayo nag-park? 32. beauty and the beast - ang asawa ko at ang nanay nya 33. the lord of the rings - ang alahero
Live on TV (sa government channel) ang unang araw ng imbestigasyon ng Senado kung saan dumalo ang mga membro ng Gabinete ni Arroyo na may kaugnayan sa anomalosong mahigit $300 million ZTE Contract. Ginisa ng mga senador ang mga membro ng Gabinete sa ZTE Contract. Sa panlabas, (sa kanilang mga pananalita) makikita kaagad na depensiba ang mga bataan ni Arroyo habang ang mga `magigiting' na senador ang nagpa-impress sa mata ng publiko na `tagapagtanggol' ng kapakanan ng taumbayan. Halimbawa: Si senador Richard Gordon na dating mayor ng Olangapo sa panahon ng diktadurang Marcos at masigasig na tagapagtanggol ng US Military Bases dahil malaki daw ang maitutulong nito sa kaunlaran ng bansa ay naging `tagapagtanggol' ng interes ng bayan laban sa interes ng mga kapitalistang Tsino. Si senador Juan Ponce Enrile, dating Ministro ng National Defense ng diktadurang Marcos at isang malaking kapitalista (bantog sa karahasan ang kanyang malaking kompanya ng logging sa Northern Luzon at Mindanao) kung saan ginamit ang kanyang posisyon noon hanggang ngayon para sa kanyang negosyo ay `kinondenna' ang paggamit ni Jose de Venecia III sa posisyon ng kanyang ama na si Speaker Jose de Venecia. Sa esensya, ang nais ipakita ng estadong kapitalista kakutsaba ang institusyong lehislatibo sa publiko ay ganito: `walang sinasanto ang demokrasya at ang mga batas nito'. Gamit ang media laluna ang government channel, lumilikha ito ng impresyon na `kalahok' ang publiko sa imbestigasyon ng Senado. Nakakatuwang moro-moro ng buong uring burgesyang Pilipino (administarsyon man o oposisyon). Pero dapat bang sumabay sa pagtawa ang malawak na naghihirap na masa sa komedya sa susunod pa nilang imbestigasyon hinggil sa ZTE?
Tinanggal ng PLDT management ang 575 empleyado nito. Ang dahilan: redundancy. Ikalawang batch na ito ng maramihang tanggalan magmula 2002 kung saan mahigit 500 manggagawa ang tinanggal sa taong iyon. Hindi ito simpleng union busting dahil ang tanggalan ay hindi lang nangyayari sa mga kompanyang may unyon kundi kahit sa mga walang unyon. Ang tanggalan at kontraktwalisasyon ay manipestasyon lamang ng kawalang kapasidad ng kapitalismo na ipasok sa bilangguan ng sahurang pang-aalipin ang paparaming tao. Ang kontraktwalisasyon ay isang maniobra ng mga kapitalista sa buong mundo (sa atrasadong mga bansa man gaya ng Pilipinas o sa abanteng mga bansa tulad ng Estados Unidos) para itago ang katotohanan na nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo at wala ng kinabukasan ang uring manggagawa sa ganitong sistema. Kahit saang bahagi ng mundo laluna sa abanteng mga bansa, nakibaka ang mga manggagawa laban sa mga atake ng uring kapitalista sa kanilang kabuhayan. At isa sa mga ito ay ang tanggalan ng manggagawa. Ang makapangyarihang pwersa ay nasa pagkakaisa ng mas marami at mas malawak na manggagawa
Hindi napigilan ng unyon sa PLDT ang tanggalan magmula 2002. Ang negosasyon sa pagitan ng unyon sa PLDT at managemnet ay napatunayang hindi na epektibo at itinali lamang nito ang mga manggagawa sa ilusyon ng negosasyon sa management. Ang kilusang protesta ng mga manggagawa sa PLDT na nag-iisa lang ay hindi na rin epektibo at nagbunga lamang og pagkatalo. Sa nagkakaisang mga atake ng buong uring kapitalista kailangang ang pagkakaisang ng mga manggagawa sa iba't-ibang pabrika. At dapat makongkreto ito sa nagkakasiang pakikibaka ng iba't-ibang mga pabrika dala ang komon na mga isyu at kahilingan. Ang suporta ay hindi na sa usaping pinansyal, materyal at moral kundi sa paglunsad din ng mga welga o demonstrasyon ng ibang mga manggagawa sa kani-kanilang mga pabrika. Sa halip na unahin ang pagpunta sa "impluwensyadong" mga personalidad tulad ng Obispo, pulitiko o media, ang dapat sentrohan ng pagkilos ay ang pagpadala ng mga manggagawa ng PLDT ng mga delegasyon sa ibang mga pabrika at direktang magpaliwanag at mangumbinsi sa mga manggagawa doon (hindi sa mga lider ng kanilang mga unyon na walang iniisip kundi ang preserbasyon ng unyon sa pamamagitan ng pag-iwas sa "illegal" actions bilang suporta sa mga manggagawa sa PLDT). Ang tagumpay ng pakikibaka ng mga manggagawa sa PLDT ay nasa aktibong suporta mismo ng ibang mga manggagawa sa ibang mga pabrika at wala sa "impluwensyadong" indibidwal at personalidad.
Prof. Jose Maria Sison would be released from the National Penitentiary in Scheveningen, The Hague in the Netherlands around 6:30 p.m. (Philippine time) today, Sept. 13, according to Connie Ledesma, a member of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace panel. In a statement posted at the website of the Dutch Justice Ministry, the court said that there are no "sufficient indications that the accused [Sison], while living in the Netherlands, committed the offenses he is charged with, in deliberate and close cooperation with the perpetrators in the Philippines." It added, "Neither do they [charges] contain sufficient concrete indications that the accused incited others to commit these serious offenses," Sison was arrested on August 28 and was charged with ordering the killings of Romulo Kintanar and Arturo Tabara. The New People's Army, armed wing of the Communist Party of the Philippines (CPP), has admitted the killings. However, the Dutch court also said, "…there are many indications in the files which support the point of view that the accused is still playing a leading role in the Central Committee of the CPP as well as in the military branch of the CPP, the New People's Army (NPA)." The Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) welcomed the development but said the persecution of Sison may not be over yet. The group will continue to hold a mass action tomorrow, Sept. 14, to celebrate Sison's release and to warn the Dutch, U.S. and Philippine governments against further violating Sison's rights. | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||